Friday, October 4, 2013

Pamana ng mga Sinaunang Asyano: Deborah de Guzman

 Sa haba ng pamumuhay ng mga sinaunang Asyano noong unang panahon, madaming bagay ang mga nadiskubre nila na hanggang sa ngayon ang atin pang napapakinabangan.


Isa sa mga mahalagang pamana ng kanlurang asya ang Cuneiform. Ang Cuneiform ay isang paraan ng pagsulat ng mga sumerian. Ito ay ginagamit upang maitala o maisulat ang mahahalagang transaksyon sa ibat-ibang aspekto ng buhay ng mga sumerian. Nagbibigay daan rin ito sa pag-usbong ng iba pang sistema ng pagsulat.

Ang Cuneiform ay ginagamitan ng stylus at claytablet. Ang stylus ay gawa sa dulo ng tangkay ng reed na isang uri ng damo na ginagawang pang-ukit sa clay tablet. Ang clay tablet naman ay isang tabletang gawa sa luwad, na kung saan nakatala ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noon sa sumerian.

Ang kodigo ni Hammurabi ay isa rin sa pinaka-nakakahanga sa pamana ng kanlurang asya. Ang kodigong ito ni Hammurabi ay katipunan ng 282 na batas tungkol sa ibat-ibang aspekto ng pamumuhay sa Mesopotamia.

Tinutukoy ng kodigong ito ang mga paglabag sa batas at nagtakda ng tiyak na parusa para sa bawat isa. May natala rin itong prinsipyo na "Mata sa mata, ngipin sa ngipin" na ang ibig sabihin ay "kung ano ang iyong nagawang kasalanan, ayun rin ang gagawing parusa sa  iyo." At ito'y naging daan upang umayos at umunlad ang impyernong Babylonia. Ang mga batas na ito ay nagsilbi ring batayan nga mga sumunod na impyerno o henerasyon.

Kung ang Kanlurang Asya ay may "Kodigo ni Hummarabi" ang Timog Asya ay mayroon ring Aklat na kung tawagin ay VEDAS.

Ang Vedas ay katipunan ng mga sagradong teksto mula sa sinaunang India. Ito ay tinuturing na pinakamatandang akdang pampanitikan ng kabihasnang Indo-Aryan, at pinakasagradong aklat ng India.

Bukod sa kahalagahan nito bilang sagradong teksto, nagsisilbi rin ang vedas, bilang talang pangkasaysayan dahil inilalarawan nito ang buhay sa India noong panahong Vedic. Ito'y mahalaga rin dahil nagkaroon ito ng mahalagang impluwensya sa Buddhism, Jainismat Sikhism, at maging sa kasalukuyan ay nananatiling gabay ang vedas sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Indian,

Dumako naman tayo sa Silangang Asya. Isa sa mga naiambag ng Silangang Ssya ay ang "Great Wall of China"

Ang Great Wall of China ay pinatayo ni Shi Huangdi, ang pinuno ng Dinastiyang Quin. Ito ay ipinatayo upang magsilbing pananggalang laban sa mga tribong lagalag mula sa Hilagang Tsina at para na rin sa mga barbarong galing sa Mongolia.

Ito ay itinanghal bilang isang World Heritage Site ng UNESCO. Ito'y mahalagang pamana ng silangang asya dahil hanggang sa kasalukuyan, ito'y dinarayo pa rin ng mga turista at ito'y matibay rin kaya naman bumibilib sila dito at patuloy na binabalikbalikan.

Ang mga pamanang ito ay talaga namang kahanga-hanga, kaya naman ang mga ito'y nagpapatunay na malikhain at malinong likas ang mga Asyano.


Thursday, October 3, 2013

Pamana ng mga sinaunang asyano.
-Kamille Bianca C. Balaba
 Kanlurang asya
Nag mula an gating mga kultura sa ating mga kabihasnan. Ang mga ito ay namana natin sa pamamagitan ng pagpayaman ng mga materyal at hindi materyal na mga kultura. Ang mga ito ay unti- unting umuunlad. Kaya’t panatilihin nating paunladin ang mga ito para an gating kultura ay lumago.

images.jpg
ps208041_m.jpgimages (1).jpgSa kasalukuyan ang mga prosesong na imbento noong sinaunang kabihasnan ay napapalitan na ng mga teknolohiya. Bagama’t naiba ang proseso nanatili padin nating ginagamit ito.  At ito ay ipangmamalaki natin, dahil kung wala tayong proseso hindi tayo uunlad. Ang cuneiform ay isa sa mga sistema ng pagsulat noong sinaunang kabihasnan. Ito ang kauna unahang sistema ng pagsulat na umusbong noong kabihasnangsumerian. Ito ay gawa sa isang luwad na inuukit. Nagmula din sakanila ang epic of Gilgamesh, na itunuturing kauna-unahang akdang pampanitikan sa unang kabihasnan .
babylonian-sex.jpg

Sa agham at matematika naman ay nagmula din sa kabihasnang Sumerian. Nag simula ang sistemang sexagesimal. Ito ang sistema kung saan hinahanti ang oras at ng bilog. Ang imbensyong Sumerian ay mahalaga padin ang mga gulong. Ginagamit ito hindi lamang sa pag transportasyon kung hindi madami pang iba.

Galing sa kabihasnang Sumerian ang sasakyang pandagat . ang code of Hammurabi ay ang mga batas tungkol sa aspekto ng pamumuhay ng sinaunang tao. Ito ang mga pamana mula sa kanlurang asya.
Pamana mula sa timog asya.
 Isa sa mga pangunahing kontribusyon ng mga Indian ang kabihasnang Sanskrit.  Ito  ang ugat ng wikang indo- European. Nakasaad dito ang akdang pampanitikan, agham, teknikal, polosopikal, at panrelihiyon. 

maraming salamat po :)