Ipinapalagay ng mga
arkeologo na ang mga tao sa panahong paleolitiko ay nakagawa ng mga kagamitan
gawa sa bato. Nabuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso at pangunguha ng mga
halamang ligaw. Karaniwang pangkatan silang naninirahan sa isang pook sa loob
lamang ng ilang araw o hangga't may nakukuha silang pagkain dito. Nag-iwan ng
mga labi ang mga taong nabuhay noong Panahong Paleolitiko sa Pilipinas. Noong
1953, natuklasan sa Cagayan ang ilang kagamitang gawa sa bato. Mula 1962
hanggang 1970, naytuklasan ng mga arkeologong pinamunuan ni Robert Fox ang mga
buto ng taoat hayop at mga kagmitang tinapyas na bato sa Kweba ng Tabon sa
Palawan. Ginamit sa pagsusuri na ito ang paraang radio carbon dating na
isang paraan ng pagpepetsa ng organic material tulad ng bato
at kahoy, sa pagsusuri, natuklasang 40,000 taon nang natabunan ang mga iyon sa
loob ng kweba. Pinaniniwalang ang mga kweba ang naging tirahan ng mga sinaunang
tao sa Palawan noong panahong iyon.
Pamana:
---
Natuklasan ang APOY
Kahalagahan
ng Pagkakatuklas ng Apoy :
- Panakot o Pantaboy sa
mababangis na hayop
- Hanggang ngayon ay sa mga probinsya
ay ginagamit parin na panakot o pantaboy sa mababangis na hayop ang apoy. Dahil
may mga tao na nakatira sa gubat na yuon parin ang ginagamit.
- Proteksiyon mula sa malamig na panahon
- Sa ngayon, meron
paring gumagamit ng apoy bilang proteksiyon mula sa malamig na panahon. Ngunit,
marami ring ngayon na gumagamit ng makabago na paraan sa pag laban sa malamig
na panahon dahil meron na ngaun ‘’Heater.’’
- Nagbibigay liwanag sa madilim na yungib
- Sa aming probinsya, Ginagamit parin ito hanggang ngayon. Kaso nakalagay
na ito sa isang lalagyan na mayroong hawakan para kung saan ka pupunta madadala
mo ito. Pero merong iba na gumagamit na ngayon ng makabagong proseso. Katulad
ng paggamit ng Flashlight, ito ay ipinapatakbo gamit ang mga baterya at ang iba
naman ay ichinacharge sa koryente.
- Gamit sa pagluto ng pagkain
- Syempre hanggang ngayon ginagamit parin ito. Sa probinsya maraming paraan
ng pagpapalabas ng apoy, yung iba ay gumagamit ng uling para makagawa ng apoy o
baga na pwedeng gamiting pangluto. Ang iba naman ay gumagamit ng kahoy para
mabilis mag palabas ng apoy. Sa shudad naman, gumagamit na ng LPG gas para mas
madali ang paggamit nito.
Bakit kailangan itong
pangalagaan?
- Kailangan natin itong
pangalagaan dahil napapakinabangan natin ito. Paano natin makakain ang ating
mga pagkain kung walang apoy na kaliangan nating gamitin sa pagluluto. At sa
aking palagay, bilang respeto narin sa ating mga ninunong Asyano ang
pangalagaan ang mga baka na pinamana nila sa atin. Ito naman ay para rin sa
ating ikabubuti.
Pamana mula sa Kanlurang
Asya
Dito makikita ang mesopotamia na ngayon ay Iraq. Dito rin nagsimula ang Kabihasnang Sumerian.
Ang mga tao sa Sumerian ay tinatawag na Sumer. Ang pinakaunang Kabihasnan ay ang Kabihasnang Sumerian.
Mga Pamana:
Cuneiform - Ito ang paraang ng pagsusulat ng mga Sumerian. Ang aking alam gawa sa Luwad ang kanilang sinusulatan.
Ito ay nangunguhulugang ''hugis-sinsel'' na ang ibigsabihin ay ang pinakaunang sistematikong paraan ng pag sulat sa buong daigdig.
Epic of Gilgamesh - Itunuturing na kauna-unahan
pampanitikan sa daigdig.Tinatayang ginawa noong 2000
B.C.E., tungkol kay Gilgamesh, and mala-diyos na hari ng
Uruk.Dito nakalagay ang mga kahanga-hangang nagawa
ni Gilgamesh.
Alpabeto o Titik ng Alpabetong PHOENICIAN
-Kharl Rivera
No comments:
Post a Comment