Ni: Danielove G. Baluyut
Introduksyon:
Ang mga pamana ng mga sinaunang Asyano ay tunay na importante at Mahalaga. ito ang mga bagay na talagang ginamit, Natuklasan ng ating mga ninuno. Hindi lamang basta ito mga gamit o kagamitang luma ito ang mga imbensiyon,ideya at Ang pagiging malikhain ng mga Asyano. Bakit nga ba kailangan itong pangalagaan? Dapat lang! Oo dapat. ito ang mga bagay na totoong nakatulong ng husto ng mga sinaunang Asyano. Naging gabay din natin ito sa kasalukuyan, Lalong lalo na sa ating pang araw araw na pamumuhay. Halika't tuklasin ang mga Pamana ng mga sinaunang asyano!
Bawat Rehiyon sa Asya ay may Pamana.
PAMANA MULA SA KANLURANG ASYA
Ito ang mapa ng Kanlurang Asya. Mesopotamia ang isa sa bansang napaparito ang mesopotamia sa kasalukuyan ang Iraq. Sa bansang ito may umusbong na kabihasnan ang Sumerian.
Ang sumerian ang unang kabihasnang umusbong sa kanlurang asya.
MGA PAMANA:
Cuneiform - Ang paraan ng pag sulat ng sumerian. Isa ito sa mga pinakamahalagang ambag
ng mga sumerian. Ang cuneiform ay nangangahulugang
"hugis-sinsel." ang pinakaunang sistematikkong paraan ng pag sulat sa buong daigdig.
Pano ito naging pamana para sa atin?
Ito ang unang paraan ng pag sulat ng mga sumerian. isa ito sa mga unang naging basehan ng mga asyano o tao sa daigdig upang lalong mapalaganap o mapaunlad ng sistema ng pag sulat. Kung walang cuneiform, Sa tingin mo mapapadali ba ang mga asyano upang maumpisahan ang paraan ng pag sulat? Diba hindi. Dahil Ang pag sulat naisa sa pinaka importanteng pamana na maari nating mapapakinabangan sa ngayon.
Epic of Gilgamesh - Ang kaunang unang akdang pampanitikan sa Daigdig. Ito ay isnag tabletang gawa sa luwad na may inukit na cuneiform. Nagawa ang akdang ito noong 2000 B.C.E.
Bakit nga ba Epic of Gilgamesh? Si Gilgamesh Ang mala diyos na hari ng Uruk. Nakalagay dito ang ang kahanga hangang nagawa ni Gilgamesh.
Alpabeto o Titik ng Alpabetong PHOENICIAN
PAMANA MULA SA TIMOG ASYA
Sinaunang India naman ang matutuklasan natin dito.
Mga Pamana
Sanskrit- ito ang pinag uagatn ng maraming wikang indo- european. Ginagamit parin ang sanskrit sa mga ritwal at seremonyang hindu at buddhist.
Vedas- Ang katipunan ng sagradong teksto mula sa sinaunang india.
ito ang itinuturing pinaka matandang akdang pampanitikan ng kabihasing indo-aryan, at pinakasagradong aklat ng India. May apat na aklat ito. Itnatawag din itong mga veda.
Isa ito sa mga pamana ng timog Asya, Sa india. bahagi ito ng kultura ng India sa bawat kabihasnan. nakasulat dito ang mga mahahalagang bagay at sagrado sa kanilang kabihasnan, kultura at bansa.
Kadaragdagang mga PAMANA ng mga Sinaunang Asyano:
Dugout o Canoe- Ang bangka o sasakyang pantubig na ginagamit ng mga sinaunang asyano. Ginagamit ito ng mga sinaunang asyano upang mag silbing transportasyon at iba pa. May mga sinaunang tao na nakatira sa tabi ng ilog o malapit sa ilog para sa kanilang pag transportasyon, Pag kain at kalakan. Isa yan sa mga pamana ng ating mga ninuno. Kung noon ay kahoy lang o galing sa puno ang ginagawang bangka ngayon ay iniba na at mas naging maasensado.
Mahalagang pamana ng mga Sinaunang Asyano
- Agham at Matematika
- Medisina at kalusugan
- Batas at katarungan
- Panitikan
Tunay ngang kailangan pangalangaan ang mga pamana nila. Kailangan natin itong suportahan, huwag sirain, Pag aralan at iba pa. Ito ay nagiging basehan nating mga tao ngayon upang makalikha ng bago at maari din nating maipamana sa mga susunod na henerasyon.
- Danielove Baluyut
No comments:
Post a Comment