Thursday, October 3, 2013

MGA PAMANA NILA NOON, NAGAGAMIT PA BA NGAYON? ni Kobee Corpuz


MGA PAMANA NILA NOON, NAGAGAMIT PA BA NGAYON?
Yan ang Tanong! Nagagamit pa nga ba?
Iyan ang inyong malalaman! ang mga bagay na napapakanibangan natin sa kasalukuyan ay 
tiyak nangaling din sa mga gamit noong nakaraan. saan ba ito nagmula? paano ito napaunlad? paano o saan natin ito napapakanibangan sa kasalukyan? saan nga ba? tara na at alamin! 

Ang ASYA, ang pinakamalaking kontinente sa daigdig, pero saan nga ba nagmula ang maunlad na mga kagamitan, paraan ng pamumuhay at kultura na ating pinapakinabangan ngayon?. Saan ba ito nagmula? Paano ito nadiskubre? 

Ang ating kontinente ay binubuo ng (5) lima na rehiyon, ang mga pamana na aking ilalahad ay magmumula sa (3) tatlong rehiyon ng ating kontinente ito ang mga ss:

      * Pamana mula sa Silangang asya
      * Pamana mula sa Timog asya
      * Pamana mula sa Kanlirang asya


Unahin natin ang SILANGANG Parte ng asya.
Ang silangang asya ay sakop ang bansang Tsina kung kaya ay marami ang naibigay ng silangang asya na pamana na atin ngayon ay napaunlad at patuloy na pinapaunlad.
Sila ay may tinatawag na "Apat na Dakilang Imbensyong Tsino" ito ay ang papel, pulbura, woodblock printing at magnetic compass. Dito sa aking blog ay gusto kong bigyang pansin ang apat na ito sapagkat ito ang mga bagay na ating higit na napapakinabangan.


Ang Papel, siguro ang ibang tao ay wala nang pakielam kung saan ito nagmula, pero mas mainam kung mayroon tayong kaalaman tungkolsa mga bagay na ginagamit natin ngayon, saan nga ba nagmula ang papel?
Noong taong 105 B.C.E . ay naimbento ang isang maunlad at bagong proseso sa pagawa ng papel, ang nakaimbento nito ay si Cai Lun , ang papel ay isa sa apat na dakilang imbensyong tsino, sa tingin niyo, kung walang papel ngayon saan kaya tayo nagsuslat ng mga bagay bagay na dapat nating tandaang pangyayari at mga kaisipan? . Dati ang papel ay hindi ganito kaunlad tulad ng ginagamit natin ngayon, ang papel noon ay hindi ganoon kakinis kaysa sa ginagamit natin ngayon, dati ang unang tawag sa papel ay papyrus. at ang paraan o presos na ito ay nagtungo na rin sa ibat ibang lugar hanggang lumaganap na ito sa buong mundo.
Ngayon ay ginagamit na ang PAPEL sa napakaraming paraan at halaga, ibat ibang kulay at klase ng papel na ating nagagamit, Ang Papel ay tunay na mahalagang natuklasan.


Imortalidad, alam niyo ba na kauganayan ito kung bakit naimbento ang pulbura?
Sinasabi na noong ang mga tsino ay nageeksperimento ang mga tsino para sa pormula na para sa imortalidad at naiugnay dito ang pagkadiskubre nila sa pulbura na naganap noong ikasiyam na siglo. Tulad ng gamit natin ngayon ay ang pulbura noong panahon ng song ay ginagamit sa paggawa ng sandata. Ngayon ay ginagamit na ito sa ibat ibang paraan tulad ng mga paputok o mga fireworks na karaniwang ginagamit sa mga mahahalagang pangyayari.

Naimbento raw ang WOODBLOCK PRINTING noong unang bahagi ng dinastiyang shang. Ang woodblock printing aay isang masusi na paraan na pagsulat o pagimprenta ng mga letra. Ngunit kahit ngayon ay napapakinabangan parin natin ang woodblock printing sa ibat ibang parte ng mundo kung saan ito lumaganap.


Ang Magnetic Compass ay natuklasan noong Dinastiyang Qin
ginagamitan ito ng sandok na gawa sa lodestone na ginagamit ng mga manghuhula noong panahon ng Dinastiyang Shang. Ngayon ay ginagamit ito sa ibat ibang uri sa mga libangan at paglalayag.



Tayo ay Dumako na sa susunod na rehiyon sa bandang timog
Sinsabing mula sa timog asya ay isa sa mga rehiyon ng asya na malaki ang naiambag o naipamana na hanggang ngayon ay ating giangamit, pinakikinabangan , pinapaunlad at patuloy na pinapaunlad.

Sanskrit
- Ang mga wikang Indo-European  ay dito nagmula

Vedas
- Katipunan ng sagradong teksto mula sa sinauang India.

Mahabharata ( The Great Story of Bharats)
- Sinsabing pinakamahalaga at pinakadakila na akda sa mundo. Pinakamahanag epikong tula sa daigdig. Binubuo ng 100,000 couplet o 200,000 na taludtod. Tungkol sa kasaysayan, mga mito ar kaisipang hindu.

Bhagavad Gita
- isa rin dakilang adang hindu
- Binubuo ng 700 na tauldtod at nagtatalakay sa temang pilosopikal at teolohikal

Ramayana (Rama's Way)
- Isa ring dakilang akdang Indian
- Binubuo ng may 42,000 couplet o 48,000 na taludrod at tungkol sa dakilang pagiibigan at naglalaman din ng mahalagang turong hindu


Dumako naman tayo sa Kanlurang bahagi ng ating kontinente
Dito sa kanlurang asya umusbong ang kabihasang sumerian.
Dito ay namana natin ang mga bagay tulad ng mga pagsusulat,  akdang pampanitikan, agham, matematika, gulong, araro at ang paglayag sa sasakyang pandagat

Ang Cuneiform ay nangangahulugang "hugis-sinsel"
ito ay isa sa pinakamahalagang ambag ng kabihasnang sumerian sa daigdig.
sapagkat ito ang unang sistematikong paraan ng paguslat. Kung ngayon tayo ay may A B C  noon itong cuneiform ang paraan ng kaninlang pagsulat ito ay pinaunlad ng pinaunlad hanggang ngayon na ating ginagamit ang pinakabagong sistematikong paraan ng pagsusulat, ang pagusulat ay napakahalaga dito sa ating daigdig sapagkat ito ay isang paraan ng pagpapahayag. Isipin nalang natin ang mundo kung walang pagususulat hindi ba't napakahirap isipin kung walang pagsusulat? kaya tayo ay magpasalamat sa mga natanngap nating pamana at ang mga nagpaunlad dito.

Epic of Gilgamesh
2000 B.C.E
Sisabing ang unang akdang pampanitikan sa daigdig


Sexagesimal
pagbiblang batay sa numerong 60. Ito rin ang ambag ng mga sumerian a larangan ng agham at matematika


Code of hammurabi 
- Ang katipunan ng 282 ukol sa mga aspekto ng paraan ng pamumuhay sa Mesopotamia.
- Nagsilbi ang katipunang ito bilang bayuan ng ilang mga batas sa ibat ibang sumunod na henerayon



Bakal (Iron)
- Ang mga hittite ang nakatuklas rito na tinaguriang uri ng metal na mas matibay at mas matigas kesa sa tanso.

Marami tayong bagay na ginagamit ngayon, pero lahat ng gamit na ating pinapakinabangan ngayon ay tiyak na nagmula sa mga simpleng bagay na napapaunlad natin ngayon, kaya wag natin kalimutan na pahalagahan ang mga ito sapagakat hindi biro ang pagtuklas at pagpapaunlad sa mga ito, simpleng papel lamang ay mahalaga na, simpleng pulbura, bakal at iba pa ay sadyang nadiskubre at natuklasan ng ibat ibang tao dito sa daigdig kaya dapat natin ito pahalagahan sapagkat ito ang daigdig na ating ginagalawan at kinatatayuan ngayon ay hindi magiging ganito kung hindi dahil sa mga natuklasang ibat ibang bagay sa daigdig.





PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN 8
Sir Rodolfo Maramag Jr.

MGA PAMANA NILA NOON,
NAGAGAMIT PA BA NGAYON?

ni  Kobee Corpuz
Ika-8 - St Therese of Lisieux
Guadalupe Catholic School







1 comment: