Panahon ng Metal, o Panahon ng Bronse
ay, pakundangan sa isang binigay na lipunan bago ang kasaysayan, ang
panahon sa lipunang iyon kung saan kabilang sa pinakamaunlad na metalurhiya (sa sistematiko at laganap na gamit) ang patunaw ng tanso at lata mula likas na pagkahayag ng mambato ng tanso at lata, na lumilikha ng haluang metal na tanso sa pamamagitan ng pagtunaw ng mga metal na iyon ng sama-sama, at paghahagis sa kanila sa tansong artepakto.
Ang pamanang ito sa atin ng mga sinaunang tao ay isa sa pinakamahalagang naiambag ng mga sinaunang tao. Mas lalong napapabilis ang gawain sa pamamagitan ng bagay na ito. Kung
dati ay kagamitang bato ang gamit, ngayon ay tanso na. Patunay ito na unti-unting umuunlad ang ating ekonomiya.
Sa diwang pangkasaysayan, ito ang mga metal na bahagi at pandugtong na
ginagamit sa pagpapainam, pagpapatibay, pagpapatagal ng buhay, at
nagpapabilis sa paglikha ng mga produktong na dating yari lamang sa
purong kahoy. Sa makabagong kahulugan, kabilang na sa mga hardwer ang
mga kagamitang tulad ng susi, kandado, seradura, alambre, tanikala, tubo, mga kasangkapan sa pagluluto at kusina, mga kasangkapang tulad ng martilyo, distilyador o turnilyo, mga kubyertos, at mga parte ng makina, lalo na kapag yari na nga sa mga bakal o metal.
Kung iisipin natin masuwerte tayo dahil mayroong tulad nitong kagamitan sa kasalukuyan. nakatutulong ito sa pang-araw araw nating buhay. Kung wala ang mga bagay na ito, malamang walang kapakinabangan ang ating buhay. Isa lang ito sa patunay na kung wala ang mga sinaunang tao, wala tayong batayan upang mamuhay sa kasalukuyan. Bilang pagpapasalamat, susuklian ko ito ng pagrespeto sa mga mga bagay na natuklasan nila. Isa rin ang pagtuklas ang apoy, dugout o canoe, gulong at marami pang iba. Malaki rin ang naiaambag nito sa ating buhay.
Kung dati ay kagamitang bato lamang ang gamit natin, ngayon ay yari na sa metal o tanso. Bilang isang mamamayan at estudyante ay nakakabilib ang pagka-malikhain ng mga sinaunang tao. Nakatutulong rin ito kaugnay ng teknolohiya. Masaya ako na napapakinabangan ko ito ng malaki sa aking buhay. Bilang isang estudyante, papahalagahan ko ito at iingatan hindi lamang para sa aking sarili kung hindi para rin sa patuloy na pag-unlad ng bansa. Inaasahan kong iingatan rin ito at papahalagahan ng ibang tao.
No comments:
Post a Comment