Thursday, October 3, 2013

Pamana ng nakaraan , Pananaw sa kasalukuyan (Ni : Joanna Marie M. Guiuan)

Masaya sariwain ang mga bagay - bagay sa nakaraan lalo na't kapag alam nating nagkaroon ito ng magandang epekto sa atin. Okay lang din namang sariwain ang mga hindi magandang bagay sa ating nakaraan, maaari tayong kumuha ng aral mula dito para maiwasan ang pagkakamali.


Para sa akin, sa buhay ng isang tao, ang kaalaman natin ay hindi basta puwedeng alam lamang natin, dapat alam din natin kung paano gamitin sa ating buhay ang ating mga nalalaman. Para saan pa ang ating nalalaman kung hindi rin naman natin nagagamit?. Isa pa, para sa akin, sa ating buhay, hindi puwedeng basta talino lamang, dapat madiskarte din dahil hindi sa lahat ng bagay puro talino lang ang gamit, diskarte din. Ano nga ba ang pagkakaiba nito?


Ang talino para sa akin ay yung mas may alam ka kaysa sa iba. Ang diskarte naman ay yung tipong kaya mong gawan ng paraan ang mga bagay-bagay para mas maging produktibo. Diyan ako humanga sa mga sinaunang tao. Ginamit nila kung ano ang nasa paligid nila para mabuhay. Ang mga natuklasan pa nila ay yung mga bagay na talagang malaki ang pakinabang sa atin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila.



Ang apoy, ang daming gamit ng apoy sa atin. Noon man o ngayon, ang daming tulong ng apoy sa atin. Isa ito sa pinaka-importanteng natuklasan noong unang panahon. Kung wala ito, paano tayo magluluto? Ang hirap diba? Sa mga palabas, hindi ba't kapag may na-stranded sa isang isla, apoy ang unang hinahanapan ng paraan? Palaging may apoy dahil mahalaga ito. Isa ito sa pinaka-mahalaga at pinaka-nagamit na pamana ng mga sinaunang tao.




Tubig
Ang tubig, marami ang tulong ng tubig sa atin. Hindi natin kaya mabuhay nang walang tubig. Kaya ako humanga sa mga sinaunang tao. Ang galing ng kanilang naisip na manirahan sa tabi ng ilog. Mas naging madali na ang kanilang pamumuhay. Hindi na sila nagpalipat-lipat dahil marunong na sila magsaka kaya may napagkukunan na sila ng pagkain. Dahil malapit sila sa ilog, may mapagkukunan na sila ng tubig at may paraan ng komunikasyon. Kaya nga naimbento ang canoe eh!


Sa pangkalahatan, nais ko lamang ipaalala sa lahat na kung hindi dahil sa mga sinaunag tao, magiging ganito
kaunlad ba tayo ngayon? Sila ang naging pundasyon ng pag-unlad kaya dapat pinasasalamatan natin sila para dito. Dapat pahalagahan natin ang mga bagay na meron tayo ngayon, dapat hindi inaabuso dahil biyaya ng Diyos na matuklasan nila ang mga bagay na ito. Kaya tayo maunlad ngayon!


No comments:

Post a Comment