Introduksyon:
Ang pamana ng sinaunang Asyano ay importante dahil kung wala ito ay wala tayong magagamit ngayon. Kaya ito ipinagawa upang magbalik tanaw ang gagawa nito at upang malaman kung saan at kung kailan nagsimula ang mga pamana ng mga sinaunang asyano .
Mga pamana bawat rehiyon ng asya :
Pamana ng Kanlurang Asya
Mapa ng Kanlurang asya dito umusbong Mesopotamia ang kabihasnang Sumerian.
Ang Sumerian Ang Kauna-unahang kabihasnan sa Kanlurang Asya.
Mga Pamana:
Cunieform - Ito ang pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian sa ating lahat. Ito ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Ito ay "Hugis Sinsel" at ito ang ginagamit nila na parang papel.
Epic of Gilgamesh - Ito daw ang tinuturing kauna-unahang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ang epikong tula na nagmula sa mesopotamia.
Sexagesimal - Ito ang mga numero ng mga Sumerian o pagbilang batay sa numerong 60. Dito din nagsimula ang paghahati ng oras at bilog.
Code of Hammurabi - Tungkol ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay sa Mesopotamia. Isa sa mga batas na ipinatupad sa kabihasnang mesopotamia . ito rin ay tinatawag na "ngipin sa ngipin" o "mata sa matang" pagpapatupad ng batas sapagkat anuman ang nagawang kasalanan ay may paratang na kaparusahan .
Pamana ng Timog Asya
Mga Pamana :
Sankrit - Ito ay isang sinauna at klasikong wika ng Indya. Ang wikang ito ay pangunahing ginagamit sa liturhiya ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, at Jainismo.
Vedas - Ito ay isang malaking katawan ng mga panitik o teksto na nagmula sa sinaunang Indya. Sila ang bumubuo sa pinakamatandang putong ng panitikang Sanskrit at ang pinakamatandang mga banal na pantik ng Hinduismo.
Mahabharata - ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa Ramayana.
Pamana ng Silangang Asya
Ito ay isa sa mga rehiyon ng Asya na maaaring tumukoy sa paraang heograpikal o kultural. Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng Tsina.
Mga Pamana:
Papel - ito ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat, paglilimbag at pagbabalot.
Woodblock Printing - Dito nila inuukit ang mga sinusulat nila kaysa sa papel.
Pulbura - Ito ay ginagamit sa pagawa ng paputok.
Wala po bang dakilang ambag ng mga Asyano?
ReplyDelete