Sa haba ng pamumuhay ng mga sinaunang Asyano noong unang panahon, madaming bagay ang mga nadiskubre nila na hanggang sa ngayon ang atin pang napapakinabangan.
Isa sa mga mahalagang pamana ng kanlurang asya ang Cuneiform. Ang Cuneiform ay isang paraan ng pagsulat ng mga sumerian. Ito ay ginagamit upang maitala o maisulat ang mahahalagang transaksyon sa ibat-ibang aspekto ng buhay ng mga sumerian. Nagbibigay daan rin ito sa pag-usbong ng iba pang sistema ng pagsulat.
Ang Cuneiform ay ginagamitan ng stylus at claytablet. Ang stylus ay gawa sa dulo ng tangkay ng reed na isang uri ng damo na ginagawang pang-ukit sa clay tablet. Ang clay tablet naman ay isang tabletang gawa sa luwad, na kung saan nakatala ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noon sa sumerian.
Ang kodigo ni Hammurabi ay isa rin sa pinaka-nakakahanga sa pamana ng kanlurang asya. Ang kodigong ito ni Hammurabi ay katipunan ng 282 na batas tungkol sa ibat-ibang aspekto ng pamumuhay sa Mesopotamia.
Tinutukoy ng kodigong ito ang mga paglabag sa batas at nagtakda ng tiyak na parusa para sa bawat isa. May natala rin itong prinsipyo na "Mata sa mata, ngipin sa ngipin" na ang ibig sabihin ay "kung ano ang iyong nagawang kasalanan, ayun rin ang gagawing parusa sa iyo." At ito'y naging daan upang umayos at umunlad ang impyernong Babylonia. Ang mga batas na ito ay nagsilbi ring batayan nga mga sumunod na impyerno o henerasyon.
Kung ang Kanlurang Asya ay may "Kodigo ni Hummarabi" ang Timog Asya ay mayroon ring Aklat na kung tawagin ay VEDAS.
Ang Vedas ay katipunan ng mga sagradong teksto mula sa sinaunang India. Ito ay tinuturing na pinakamatandang akdang pampanitikan ng kabihasnang Indo-Aryan, at pinakasagradong aklat ng India.
Bukod sa kahalagahan nito bilang sagradong teksto, nagsisilbi rin ang vedas, bilang talang pangkasaysayan dahil inilalarawan nito ang buhay sa India noong panahong Vedic. Ito'y mahalaga rin dahil nagkaroon ito ng mahalagang impluwensya sa Buddhism, Jainismat Sikhism, at maging sa kasalukuyan ay nananatiling gabay ang vedas sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Indian,
Dumako naman tayo sa Silangang Asya. Isa sa mga naiambag ng Silangang Ssya ay ang "Great Wall of China"
Ang Great Wall of China ay pinatayo ni Shi Huangdi, ang pinuno ng Dinastiyang Quin. Ito ay ipinatayo upang magsilbing pananggalang laban sa mga tribong lagalag mula sa Hilagang Tsina at para na rin sa mga barbarong galing sa Mongolia.
Ito ay itinanghal bilang isang World Heritage Site ng UNESCO. Ito'y mahalagang pamana ng silangang asya dahil hanggang sa kasalukuyan, ito'y dinarayo pa rin ng mga turista at ito'y matibay rin kaya naman bumibilib sila dito at patuloy na binabalikbalikan.
Ang mga pamanang ito ay talaga namang kahanga-hanga, kaya naman ang mga ito'y nagpapatunay na malikhain at malinong likas ang mga Asyano.
No comments:
Post a Comment