8- St. Therese Of Lisiuex
MGA PAMANA NG SINAUNANG TAO
Ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang asyano sa daigdig ay mula sa mayaman at dakilang kultura ng mga sinaunang kabihasnang asyano ay namana natin ang iba't ibang bagay na nagpayaman sa materyal at hindi materyal na kultura ng daigdig.
Ang pamana mula sa kanlurang asya ay ang CUNEIFORM ito ay umusbong sa kabihasnang sa mesopatamia ito ang isang tabletang luwad na may inukit na cuneifrom at mula rin sa mga sumerian ang Epic Of Gilgamesh ang itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig.
Ang pamana mula sa timog asya ay ang SANSKRIT ito naman ang pinag-ugatan ng maraming wikang Indo-European ang Vedas ang katipunan ng sagradong teksto mula sa sinaunang India at ito din ang pinakamatandang akda pampanitikan ng kabihasnang Indo-Aryan at pinakakasagradong aklat sa india.
Ang pamana mula sa silangang asya ay ang papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic compass ang tradisyonal na itinuturing na "Apat na Dakilang Imbensiyong Tsino." Mga sinaunag Tsino ang nagpasimula sa pagkakaroon ng civil service examination o pagsusulit para sa mga gusto manilbihan sa pamahalaan. Acupunture ang tawag sa paraan ng pagtusok ng mga pinong karayom sa balat upang maibsan ang sakit o kaya ay gumaling ang karamdaman. Mahahalagang impormasyon naman ang dulot ng mga talang pang-astronomiya ng mga sinaunang Tsino.
Marami ako natutunan sa mga pamana ng mga sinaunang tao dito sa ating bansa dapat kung napapakinabangan pa natin ito dapat natin ito pangingatan para tumagal pa ito at mapakinabangan pa uli ng mga tao kaya magpasalamat tayo sa ating mga sinaunag tao dahil kung wala ito wala tayo magagamit na mga gamit na pwede pa pakinabangan ngayon kaya ingatan natin ito ng mabuti para tumagal pa ito sa ating bansa.
At sana wag natin hayaang masira natin ito kasi ito na lang ang mga natirang gamit na pinamana saatin ng mga sinaunang tao at pangalagaan natin ito para tumagal pa ito sa ating mundo at wag din natin hayaan na maluma ito kasi pwede pa ito magamit ng ibang tao o kaya pwede din ito idisplay sa mga museum para pwede makita ng mga students or mga tao na magaganda ang mga pinamana ng mga sinanunang tao.
No comments:
Post a Comment